KKDAT Lecture, isinagawa sa Lambunao Iloilo City
Sumailalim sa isinagawang Kabataan Kontra Droga at Terorismo lecture ang mga kabataan ng Lambunao sa Iloilo City nito lamang ika-11 ng Oktubre 2024. Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga miyembro ng Revitalized-Pulis Sa Barangay Lambunao at Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Banban, Lambunao. Bilang bahagi ng kanilang adbokasiya, nagbigay ang R-PSB Team ng lecture patungkol sa Anti-Terrorism at Illegal Drugs Awareness upang bigyang kaalaman ang mga kabataan sa mga panganib na dulot ng terorismo at ilegal na droga.
Ang pangunahing layunin ng programa ay gabayan ang mga kabataan tungo sa tamang landas, ilayo at protektahan sila mula sa impluwensya ng mga mapanganib na komunistang grupo, teroristang organisasyon, at ilegal na droga.
Layunin din ng programang ito ay hubugin ang mga kabataan sa kanilang mga talento at kakayahan, at paunlarin ang kanilang espiritu ng bolunterismo at pagkakaisa.
Ang ganitong mga hakbang ng mga ahensya ng gobyerno ay nagpapakita lamang ng kanilang dedikasyon sa pagtulong sa ating komunidad na mas magkaroon ng isang epektibo at responsible na mga lider sa kasalukuyan at sa hinaharap.