Mag-aaral ng Bago National High School, nakiisa sa Symposium Activity sa NegOr
Aktibong nakiisa sa Symposium Activity ang mga mag-aaral mula sa Bago National High School sa Barangay Bago, Tayasan, Negros Oriental noong ika-11 ng Oktubre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Tayasan MPS sa pamumuno ni Police Captain Mac Millard G Milan, OIC, kasama ang mga tauhan ng 94th IB, Philippine Army.
Tinalakay sa mga mag-aaral ang tungkol sa “Masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot” at mga karaniwang nalalabag na batas sa ating munisipalidad.
Bukod dito, hinihikayat din ng mga guro ang mga kabataan na maging aktibo sa kanilang komunidad at makibahagi sa nation-building sa pamamagitan ng paggalang sa mga batas at awtoridad.
Isang malaking hakbang ang symposium na ito tungo sa pagkamit ng layuning “Bagong Pilipinas,” kung saan ang bawat mamamayan, lalo na ang mga kabataan, ay may mahalagang gampanin sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran ng bansa.