Serbisyo Caravan, handog sa Hanunuong Mangyan sa Oriental Mindoro
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng halos 2,000 Hanunuong Mangyan na napagkalooban ng iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan bilang bahagi ng paggunita sa buwan ng katutubong Pilipino na ginanap sa Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro nito lamang ika-14 ng Oktubre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Office of the Vice Governor katuwang ang tanggapan ni Senator Robinhood Padilla. Nakiisa din ang mga kapulisan ng Mansalay Police Station sa pagpapanatili ng katahimikan sa naturang aktibidad.
Ilan sa mga ipinagkaloob na serbisyo ay libreng serbisyong medikal, at mga rehistrasyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Layunin ng programa na maiparating sa mga mamamayan ng mga libreng serbisyo upang mapabuti ang kalagayan ng mga tao sa lokal na antas ng pamahalaan at upang maisulong ang Bagong Pilipinas.