Miyembro ng 4P’s, dumalo sa Awareness Lecture sa Catanduanes Aktibong dumalo ang mga miyembro sa 4P’s at opisyales ng barangay sa Barangay Sagrada ,Bagamanoc, Catanduanes nito lamang ika-15 ng Oktobre, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng RPSB Team Sagrada katuwang ang Bagamanoc Municipal Police Station. Tinalakay ng mga tagapagsalita ang pagbibigay kamalayan hinggil sa VAWC (Anti-Violence Against Women and their Children).

Hinihikayat ang mga nakilahok na walang dapat ikabahala at isumbong ang sinumang mapang abusong kalalakihan at bukas ang himpilan ng Bagamanoc MPS para sa nararapat na reklamo ukol dito. Layunin ng aktibidad na magkaroon ng malawak na kamalayan at maibahagi sa ating mga kababaihan ang kanilang karapatan at maipatupad ang mga batas para maiwasan ang anumang pang aabuso sa mga kababaihan at kabataan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *