LBB POSTING Tree Planting Activity, sanib pwersang isinagawa ng Advocacy Groups

Masiglang nagkaisa ang KKDAT, LGU Cauayan, NGO’s, Cauayan Component City Police Station at BFP sa isang bayanihan para sa kalikasan na isinagawa sa Sitio Buduan, Barangay San Pablo, Cauayan City, Isabela nito lamang ika-14 ng Oktubre 2024.

Sama-sama ang iba’t ibang grupo sa pagtatanim ng 100 bamboo seedling at ito ay kaugnay selebrasyon ng Cooperative Month Nationwide na may temang “Stronger Together Today for a Brighter Tomorrow.”

Ang pagtatanim ng bamboo tree ay may mahalaga sa kapaligiran at ekonomiya. Ito ay kilala bilang isang mabilis na lumalagong halaman na may kakayahang mag-absorb ng malaking dami ng carbon dioxide, na tumutulong sa pagbawas ng polusyon sa hangin.

Bukod dito, ang mga bamboo ay nag-aambag sa pagpigil ng soil erosion at nagbibigay ng tahanan sa iba’t ibang uri ng hayop.

Ang kanilang ugat ay nakakatulong sa pagpapatibay ng lupa, na nagiging proteksyon laban sa landslide, lalo na sa mga bulubundukin na lugar. Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pangangalaga ng kalikasan at kalusugan ng ating komunidad. Hindi lamang ito nagdudulot ng positibong epekto sa ating kapaligiran, kundi ito rin ay nagbubuklod sa mga tao upang magtulungan para sa isang mas maayos at masiglang pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *