Libreng bakuna para sa mga Pampublikong Paaralan, tinalakay sa Stakeholders Meeting
Isang mahalagang Stakeholders Meeting ang isinagawa sa pangunguna ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) noong Lunes, ika-14 ng Oktubre, 2024 sa Hotel Guillermo, Pagadian City. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) at dinaluhan ng tauhan ng Zamboanga Del Sur Provincial Police Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Danette A. Abella, CAS/PIS Officer ng Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU).
Ang layunin ng pagpupulong ay talakayin ang inisyatibong magbigay ng libreng bakuna sa mga pampublikong paaralan sa rehiyon.
Ang nasabing programa ay bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan na maprotektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral laban sa mga sakit at tiyakin ang ligtas na kapaligiran sa paaralan.
Ang mga stakeholders mula sa iba’t ibang sektor ay nagtipon upang suportahan ang proyektong ito at tiyakin ang maayos na pagpapatupad nito.