RPWUDs, nakiisa sa pagbubukas ng Yakap Bayan After Care Program
Nakiisa ang Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) sa pagbubukas ng Yakap Bayan After Care Program bilang bahagi ng paglalakbay patungo sa pagbabagong-buhay nito lamang Oktubre 14, 2024.
Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa suporta ng lokal na pamahalaan ng Barangay Anitapan, Mabini gayundin ng Municipal Social Welfare and Development Office, 25th IB Philippine Army at Mabini Municipal Police Station.
Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng suporta at tulong sa mga indibidwal na nasa proseso ng rehabilitasyon mula sa paggamit ng ilegal na droga.
Sa kanilang pakikilahok, ipinakita ng RPWUDs ang kanilang determinasyon at pagnanais na bumalik sa lipunan at makamit ang mas magandang hinaharap.
Ang kooperasyon ng RPWUDs at ng mga tagapag-ayos ng programa ay nagpapakita ng kanilang sama-samang pagnanais na bumuo ng mas positibong komunidad.