4rth Quarter BADAC Meeting, isinagawa sa Catarman, Northern Samar

Matagumpay na isinagawa ang 4rth Quarter Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) meeting na ginanap sa Barangay Yakal, Catarman Northern Samar nito lamang Oktubre 18, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Eufemia Fedellaga, Punong Barangay kasama ang Catarman Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel John Ryan C Doceo, Acting Chief of Police.

Layunin ng aktibidad na suportahan ang programa ng DILG BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan), na nakatutok sa mga estratehiyang nakabatay sa komunidad upang tugunan ang paggamit at pagtutulak ng ilegal na droga at pinapahusay ng mga lokal na konseho ang kanilang pagiging epektibo sa pagtugon sa mga isyu na may kaugnayan sa droga at nagpapaunlad ng mas magkakaugnay na pagtugon sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *