BPATS at Women’s Sector, nakilahok sa talakayan ng Tarlac PNP
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team at Women’s Sector sa isinagawang talakayan ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station sa Brgy. San Jose, Tarlac City nito lamang Martes, ika-15 ng Oktubre 2024. Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Lesle B Emata, Team Leader ng Police Community Affairs and Development Officer ng Tarlac City Police Station na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Sean C Logronio, Chief of Pollice.
Nagbigay ng kaalaman ang pulisya tungkol sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children, 9344 o Comprehensive Juvenile Justice and Welfare Act at BPAT’s duties and function.
Layunin ng aktibidad na maibahagi ang karapatan ng mga kababaihan, mga bata, mga menor de edad upang maging ligtas mula sa pang-aabuso at palakasin ang kapasidad ng mga miyembro upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa paghahatid ng serbisyo laban sa kriminalidad upang makamit ang isang maayos, ligtas, at maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino, patungo sa pagkamit ng isang Bagong Pilipinas.