Drug Symposium at Crime Prevention Lecture, isinagawa sa Cebu

Naisakatuparan ang Drug Symposium at Crime Prevention Lecture sa mga mag-aaral ng Cagay National High School , Barili, Cebu noong ika-15 ng Oktubre 2024.

Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Barili Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Gerald D. Casalme , OIC. Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, nabibigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na maging mas mapagmatyag sa mga banta ng droga at krimen.

Ibinahagi rin sa mga nakilahok ang mga posibleng epekto ng droga hindi lamang sa kanilang kalusugan kundi pati na rin sa kanilang buhay at mga mahal sa buhay, kaya’t pinalalakas ang kanilang disiplina at pagkakaroon ng tamang pag-iisip sa pagharap sa mga ganitong sitwasyon.

Ang aktibong pakikipagtulungan ng mga guro, magulang, at opisyal ng Barangay ay patunay na ang kampanya laban sa droga at krimen ay hindi lamang responsibilidad ng kapulisan kundi ng bawat miyembro ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *