KOOP Bayanihan Clean-Up, isinagawa sa Calapan City

Matagumpay na isinagawa ang KOOP Bayanihan Clean-Up sa Brgy. Lazareto, Sitio Kanluran, nito lamang ika-16 ng Oktubre 2024.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng Calapan City Cooperative Development Office, katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Nakilahok din ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod, mga tauhan ng Calapan City Police Station, mga representante ng kooperatiba sa lungsod, barangay officials at staff, at ilan pang indibidwal na maituturing nating mga eco-warriors.

Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng lahat tungkol sa wastong pamamahala ng basura, pahalagahan ang pakikiisa at disiplina ng lahat ng mga lumahok para sa paglilinis ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *