Mag-aaral ng Alfreda National Highschool, nakiisa sa Symposium Activity sa Isabela

Aktibong nakiisa sa Symposium on Youth Safety and Awareness ang mga mag-aaral mula sa Alfredo National High School sa Barangay Magassi, Cabagan, Isabela noong ika-16 ng Oktubre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina Police Captain Niña Talbo, C,FJGAD at si Police Captain Scarlette Topinio, C, PIO ng Isabela PPO.

Tinalakay sa mga mag-aaral ang tungkol sa RA 11313 (Anti-Bastos Law), RA 7877 (Sexual Harassment), RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), RA 8353(Anti-Rape Law), RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children), RA 7610 (Anti- Child Abuse Law) at ang Early Teenage Pregnancy.

Ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagkamit ng layuning “Bagong Pilipinas,” kung saan ang bawat mamamayan, lalo na ang mga kabataan, ay may mahalagang gampanin sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *