Tauhan ng mga ahensya ng gobyerno, sumailalim sa Basic Sign Language Training
Sumailalim ang mga tauhan mula sa iba’t ibang government agencies sa Basic Sign Language Training sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na ginanap sa Calapan City, Oriental Mindoro nito lamang ika-15 ng Oktubre 2024.
Ang aktibidad ay pinamahalaan ni Mr. Benjamin Agua Jr., PDAO Head, katuwang ang pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguni ni Malou Flores Morillo, City Mayor.
Inanyayahan din si G. Nelma Viana, MDMG na siyang tumayo bilang tagapagsanay. Natutunan ng mga sumailalim sa Basic Sign Language ang ‘communication with deaf’ kabilang ang alpabeto, numero, pagbati, oras, araw at buwan, para na rin sa kanilang mas epektibong komunikasyon.
Layunin ng naturang pagsasanay na magamit ng mga kalahok ang kanilang natutunan sa pakikipag-komunikasyon sa mga indibidwal at mamamayan na mayroong hearing disabilities o problema sa pandinig.