46 hepe ng mga Brgy. Tanod, nagtapos sa Tanod Academy Training of Trainers sa Passi City
Matagumpay na nagtapos ang 46 na mga hepe ng Brgy. Tanod (Batch 28) na nasasakupan ng Passi City sa Tanod Academy Training of Trainers na ginanap sa Sangguniang Kabataan Hall, Sablogon, Passi City noong Oktubre 17, 2024.
Ang nasabing pagsasanay ay pinangunhanan ng mga kapulisan ng Passi City Police Station, na may layunin na pahusayin ang kakayahan at kaalaman ng mga barangay tanod, na nakatuon sa kaligtasan ng komunidad at pag-iwas sa krimen. Kinilala din ang mga pinakamahusay na kuponan sa iba’t ibang kategorya tulad ng Disiplina, First Responder at Crime Scene Protection and Preservation, First Aid, at Arresting Techniques.
Bukod dito, pinarangalan ang tatlong pinakamahusay na indibidwal na kalahok dahil sa kanilang natatanging pagganap. Sa pagtatapos, naging isang mahalagang bahagi ng programa ay ang panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal ng Passi City Chief Tanod Federation, na pinangunahan ni Vice Mayor Chavez.
Ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga ganitong gawain upang tiyakin na ang mga barangay tanod ay handa at may kakayahan na tumugon sa iba’t ibang sitwasyon sa kanilang mga komunidad at pagpapalakas ng kaligtasan at seguridad sa buong lalawigan ng Iloilo.