Barangay Based Advocacy Group, nakiisa sa isinagawang talakayan sa Cagayan

Nakiisa ang mga Barangay Based Advocacy Group sa isinagawang talakayan na ginanap sa Barangay Maddarulug Sur, Enrile, Cagayan noong ika- 20 ng Oktubre 20, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Hygenus Favila ng Enrile Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Peter B Bometivo, hepe ng nasabing himpilan.

Tinalakay sa aktibidad ang Anti-illegal gambling at nagbigay ng mahalagang impormasyon sa mga masamang dulot ng ilegal na droga at ang mga batas na nakapaloob dito, Municipal Ordinances at iba pang usapin na may kinalaman sa Peace and Order.

Ang Barangay Based Advocacy Group ng Maddarulug Enrile ay patuloy na susuporta at makikiisa sa lahat ng programa ng gobyerno para sa isang maayos at ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *