Bike For Peace 2024, idinaos sa lalawigan ng Rizal
Matagumpay na idinaos ang Bike For Peace bilang selebrasyon sa October Peace 2024 na ginanap sa Camp General Mateo Capinpin, Sampaloc, Tanay, Rizal nito lamang Oktubre 19, 2024.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Philippine Army ang October Peace 2024 na may temang “Nagkakaisa para sa matatag na kapayapaan sa Timog Katagalugan” na pinamumunuan ni BGen Cerilo C Balaoro, Commander ng 2nd Infantry Division, kaisa ang Philippine National Police at dinaluhan ng mahigit 126 na sibilyan at sinuportahan ng lokal na pamahalaan ng Tanay Rizal. Ang aktibidad na ito ay itinatampok ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng sektor militar, kapulisan at ng ating mga mamamayan sa pagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan sa ating bansa.