BPATs, nakiisa sa vegetable planting sa Santiago City
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team(BPATs) sa isinagawang pagtatanim ng gulay sa Barangay San Isidro Santiago City nito lamang ika-18 ng Oktubre 2024. Pinangunahan ni Police Lieutenant Romeo Opilas Jr., Platoon Leader ng 3rd Platoon Patul Patrol Base, Santiago City, katuwang ang Department Agriculture ng Santiago City, mga miyembro ng BPATs Santiago at mga intern na estudyante ng Northeastern Colleges.
Ang aktibidad ay bahagi ng Project SALUKAG (Sa Yamang Lupa may Kalakip na Gintong Ani), isang inisyatiba ng Community Mobilization and Facilitation Command (CMFC).
Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng dagdag na mapagkukunan ng pangunahing pangangailangan at ikabubuhay ng mga benepisyaryo sa komunidad.
Ang pagtatanim sa communal garden ay hindi lamang naglalayong palakasin ang kabuhayan ng mga mamamayan, kundi nagbibigay rin ng oportunidad para sa pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan.