BPATs Orientation at Lektura sa Anti-Ilegal na Drogs, isinagawa
Matagumpay na naisagawa ang isang oryentasyon upang palakasin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang barangay at lektura tungkol sa kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng BIDA Program (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) sa Barangay San Jose, Buug, Zamboanga Sibugay noong Linggo ika-20 ng Oktubre, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng tauhan ng Buug Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Armil A Obinque, Officer-In-Charge, katuwang ang mga barangay officials at residente ng naturang barangay.
Layunin ng mga aktibidad na palawakin ang kamalayan ng komunidad laban sa ilegal na droga at palakasin ang suporta ng BPATS sa pagbabantay at pagpapatupad ng batas sa kanilang lugar.