Community Outreach Program, isinagawa sa Maguindanao del Sur

Isinagawa ang Community Outreach Program sa Brgy. Damakling Paglat, Maguindanao del Sur nito lamang ika-20 ng Oktubre 2024. Pinangunahan ng Local Government Unit, Barangay Local Government Unit, Advocacy Support Groups katuwang ang Paglat Municipal Police Station na nakapag-bigay ng mga relief goods sa mga residente ng naturang lugar.

Sa pamamagitan ng programang ito, maibibigay ang kinakailangang suporta para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Ang nasabing programa ay kinabibilangan ng pamamahagi ng mga relief goods at naglalayong patibayin ang ugnayan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *