“Dagan pra sa Seminaryo ug Sa Radyo” Funrun, isinagawa sa Davao Oriental
Aktibong nakiisa ang mga tauhan ng Davao Oriental Police Provincial Office sa isinagawang “Dagan pra sa Seminaryo ug Sa Radyo” Funrun sa Mati City, Davao Oriental nito lamang Oktubre 19, 2024.


Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng Diocese of Mati sa pangunguna nu Most Rev. Abel C. Apigo, D.D.; Ang kaganapang ito ay hindi lamang isang palakasan kundi isang mahalagang hakbang upang makatulong sa pagbuo ng mga hinaharap na lider ng simbahan.
Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa pangako sa parehong espiritwal na pag-unlad at epektibong outreach sa komunidad.