Force Multiplier, nakiisa sa Symposium Activity sa Negros Oriental
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa Symposium Activity na ginanap sa Gymnasium ng Brgy. Mamburao, Pamplona, Negros Oriental noong ika-20 ng Oktubre 2024. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Pamplona Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Antonio F Jabar, Officer In Charge.
Ibinahagi sa patitipon ang kampanya laban sa ilegal na droga (BIDA) at anti-terorismo, na may kaugnayan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).
Sa ilalim ng bagong administrasyon at adbokasiya ng “Bagong Pilipinas,” ang mga ganitong inisyatiba ay sumasalamin sa layunin ng pamahalaan na maghatid ng ligtas at maunlad na bansa para sa lahat.
Ang pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno sa lokal na pamahalaan at mamamayan ay mahalagang bahagi ng pagsulong tungo sa isang Bagong Pilipinas na may mas malawak na pagkakaisa at pagkamit ng kapayapaan.