Force Multipliers, nagsagawa ng Barangay Assembly sa Biliran
Matagumpay na isinagawa ng mga Force Multiplier ang Barangay Assembly sa Brgy. Larrazabal, Naval, Biliran nito lamang Oktubre 20, 2024. Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Reneboy F. Sales, Punong Barangay kasama ang mga tauhan ng Naval Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Chamberline B Ludevise, Officer-In-Charge.
Pinag-usapan sa aktibidad ang mga pangunahing problema ng naturang barangay at mga solusyon nito. Layunin ng nasabing aktibidad na ang komunidad at mga ahensya ng pamahalaan ay patuloy na magtutulungan upang makamit ang maayos at mapayapang lipunan.