Green Canopy Project: Sama-sama para sa Kalikasan sa Binalonan Pangasinan
Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Bayan ng Binalonan Pangasinan sa pakikipagtulungan ng Citicore Foundation at Citicore Renewable Energy Corporation, ang isang Tree Planting Activity sa Barangay Sta. Catalina ng nasabing bayan noong Oktubre 16, 2024.
Sama-sama na nagtanim ang mga kalahok ng 250 na punla ng mga prutas na ipinagkaloob ng Pangasinan Provincial Agriculture Office. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office, Municipal Agriculture Office, at Municipal Tourism and Information Office.
Kasama sa mga nakiisa ang Binalonan MDRRMO, PNP, BFP, at mga kinatawan mula sa WCC Aeronautical and Technological College, University of Eastern Pangasinan, at iba pang paaralan. Bago magsimula, tinuruan sila ng tamang pamamaraan ng pagtatanim upang masiguro ang paglago ng mga punla.
Pinakiusapan ang Barangay Council ng Sta. Catalina at Sta. Catalina Integrated School na pangalagaan ang mga itinanim.
Matapos ang pagtatanim, nag-enjoy ang mga kalahok sa Zumba session na pinangunahan ni Mr. Jayson C. Aro ng DENR-EMB Region 1.
Ang aktibidad na ito ay hindi lamang para sa kalikasan kundi isa ring mahalagang hakbang tungo sa mas malinis at luntiang kapaligiran, na tugma sa layunin ng Bagong Pilipinas.