Local Advocacy Group, nakiisa sa Crime and Drug Watch Dialogue at Feeding Program sa Aklan
Nakiisa ang mga kasapi ng Local Advocacy Group na Sangguniang Kabataan (SK) at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa isinagawang Neighborhood Crime and Drug Watch Dialogue at Feeding Program sa Brgy. Malibo, New Washington, Aklan, nito lamang ika-20 ng Oktubre 2024.
Kaisa ng grupo sa aktibidad ang mga tauhan ng New Washington Municipal Police Station sa pangunguna ni PCpt Mark Darrell R Villanueva, Acting Chief of Police. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Project LIGTAS (Lakas at Impormasyon para sa Ganap na KaligTASan at Pagbabantay) na may layunin na mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa bawat barangay.
Binigyang-diin sa programa ang mahalagang papel ng SK at BADAC sa pagpapatibay ng ugnayan sa komunidad at paglaban sa krimen at droga.
Sa pamamagitan ng kanilang pakikibahagi, nagiging mas aktibo ang kabataan at mga opisyal ng barangay sa pagsulong ng kaligtasan at kaayusan sa lugar.
Ang hakbang na ito ay patunay ng pagkakaisa ng pamayanan at mga lokal na lider sa pag-abot ng isang ligtas at maayos na komunidad para sa lahat.