OPLAN LUCY, inilunsad sa Ormoc City

Matagumpay na inilunsad ang OPLAN LUCY o Organize Preventive Law Enforcement Against Narcotics with Leadership, Unity and Community Yield sa Brgy. Margen, Ormoc City nito lamang Oktubre 18, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Ormoc City Provincial Office at dinaluhan ng opisyales ng Barangay Margen, Ormoc City sa pamumuno ni Hon. Genilda M. Teves, Punong Barangay, PNP Drug Enforcement Group- SOU8, Bureau of Fire Protection, AGAK Drug Rehabilitation and Support Services.

Ang programa ay sumasalamin sa pangako sa isang mas ligtas na komunidad sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap at proactive na mga estratehiya.

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pamumuno, pagpapatibay ng pagkakaisa, at pakikipag-ugnayan sa komunidad, epektibo itong malalabanan ang banta ng narcotics at matiyak ang isang mas ligtas na kapaligiran para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *