Programang CABALAKA, inilunsad sa Cabatuan, Iloilo
Umarangkada na naman ang CABALAKA on Cabatuan Laban sa Kahirapan program na inilunsad ng Pamahalaang Lokal ng Cabatuan katuwang ang kapulisan sa Brgy. Putol Oeste, Cabatuan, Iloilo, nito lamang ika-18 ng Oktubre 2024.
Ang CABALAKA program ay naglalayong mapalakas ang kaunlaran ng komunidad sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatibong nakatuon sa kalusugan, edukasyon, agrikultura, at kabuhayan para sa mga mamayanan.
Katuwang ng pamahalaang local ang kapulisan ng Cabatuan Municipal Police Station at nakilahok sa nasabing pagtitipon ang mga opisyales ng Barangay at mga residente nito. Binigyang diin ng mga tagapagsalita ang tungkol sa mga estratehiya sa pagpigil ng krimen, paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Undas (Araw ng mga Santo at Kaluluwa), partikular na ang mga hakbang sa seguridad para sa mga pamilyang bibisita sa mga sementeryo at ang kahalagahan ng pagbabantay ng komunidad at pagsunod sa mga ordinansa ng bayan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Ang CABALAKA program ay patuloy na nagtataguyod ng makabuluhang pagbabago at pag-unlad sa munisipalidad ng Cabatuan, Iloilo.
Dahil sa programa, mas nagiging matatag at handa ang mga mamamayan, lalo na sa aspeto ng seguridad at kaligtasan ng komunidad. Ang inisyatibong kagaya nito ay nagpapakita ng pagkakaisa, pagtutulungan, at kooperasyon sa pagitan ng komunidad, lokal na pamahalaan, at kapulisan upang maabot ang katahimikan, kaayusan, at kaunlaran sa munisipalidad ng Cabatuan.