Twin Mangrove Planting, isinagawa sa Coron Palawan

Matagumpay ang muling paglulunsad ng TWIN MANGROVE PLANTING sa Balisungan Marine Protected/Women Manage Area Mangrove Nursery, Brgy. Tagumpay Coron, Palawan nito lamang ika-19 ng Oktubre 2024.

Ang naturang aktibidad ay aktibong nilahukan ng 2nd Platoon ng 2nd Palawan PMFC, kasama ang mga Barangay Officials, Sangguniang Kabataan, 2nd SOU-PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard, DENR-CENRO, BFAR, 4P’s beneficiaries, mga residente, Advocacy Support Groups at Force Multipliers.

Ang pagtutulungan at pagsisikap na ito ay naglalayong hindi lamang maibalik ang ecosystem ng mga bakawan, kundi ang makapagdagdag kaalaman sa mga kalahok na ang mga young mangrove propagules ay katulad ng mga kabataan na may mahalagang papel sa kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *