Dialogue and Information Dissemination Campaign, isinagawa sa Eastern Samar
Nakiisa ang mga Barangay Officials sa isinagawang Dialogue and Information Dissemination Campaign ng Salcedo Municipal Police Station sa Brgy. Bagtong, Salcedo, Eastern Samar nito lamang Oktubre 27, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng nasabing istasyon sa pamumuno ni Police Lieutenant Aldrin C Lugnasin, Officer-In-Charge, kasama ang mga Barangay Officials at mga residente ng nasabing lugar. Tinalakay sa aktibidad ang paksa ukol sa R.A 9262 o An Act Defining Violence Against Women and their Children, paglalaan ng mga proteksiyon para sa mga biktima at pagrereseta ng mga parusa. Ang layunin nito ay itaas ang kamalayan, bigyan ang komunidad ng mahahalagang kaalaman, at itaguyod ang isang kultura ng kaligtasan at pagbabantay.
Nais nito na pasiglahin ang isang mas matalinong at aktibong komunidad na mas handa upang maiwasan ang krimen at matiyak ang kaligtasan ng publiko.