KKDAT Lecture, isinagawa sa Sampaloc Elementary School sa Nueva Ecija

0
462554128_942698804564814_446987819469859687_n

Nagsagawa ng isang makabuluhang talakayan ang kapulisan na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral ng Sampaloc Elementary School, Talavera, Nueva Ecija nito lamang ika-21 ng Oktubre 2024. Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company-4th Forward Operation Base Talavera sa pamumuno ni Police Corporal Mark Francis Zabat, Squad Member sa ilalim ng superbisyon ni Police Captain Ray Ferdinand Cruz, Platoon Leader.

Ang layunin ng nasabing programa ay magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral hinggil sa “Kabataan Kontra Droga at Terorismo” (KKDAT) na nagbibigay ng tamang impormasyon at edukasyon sa mga kabataan tungkol sa panganib ng droga at terorismo.

Itinampok sa lektura ang negatibong epekto ng paggamit ng iligal na droga at ang mga posibleng kapahamakang dulot ng terorismo.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, natutulungan silang maging mulat sa mga isyung ito, at nagiging mas handa sila na iwasan ang masasamang bisyo at mga iligal na gawain.

Ang mga aktibidad tulad nito ay nagbibigay rin ng tamang gabay upang makapag-ambag ang kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad at nagtataguyod ng responsableng pamumuhay na malayo sa krimen at karahasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *