Kabarangayan Service Caravan, matagumpay na naisagawa
Naisagawa at nakiisa ang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa isinagawang Outreach Program sa pamamagitan ng Kabarangayan, Dad-an og Proyekto ug Serbisyo Caravan sa Barangay Sikitan, Kidapawan City, Cotabato nito lamang ika-29 ng Oktubre, 2024. Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng City Government ng Kidapawan sa pangunguna ng butihing Mayor Hon. Atty. Jose Paolo M. Evangelista, katuwang ang Kidapawan City Police Station at City Social Welfare and Development Office. Nagkaroon ng libreng Police Clearance para sa mga First Time Job Seekers, at propesyonal na payo sa Gender Related Cases at maging sa pangkalahatang mga problema sa pagsisiyasat at Libreng Arozcaldo na inihanda ng CSWD.
Layunin ng aktibidad na maipabatid sa mga residente na patuloy ang paghahanap ng paraan ng ating mga kapulisan kaakibat ang mga programa ng pamahalaan upang makapaghatid ng tulong tungo sa mas ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.