BPATS at Womens Sector, nakiisa sa Clean-up Drive ng Tarlac 1st PMFC
Nakiisa ang mga Barangay Peace Keeping Action Teams at Womens Sector sa isinagawang Clean-up Drive ng Tarlac 1st Provincial Mobile Force Company na ginanap sa Brgy. Lubigan, San Jose, Tarlac nito lamang Sabado, ika-9 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ito ni Police Major Bryan Christopher L Baybayan, Acting Force Commander ng 1st Tarlac Provincial Mobile Force Company, kasama ang mga opisyales ng naturang barangay.
Nagkaisa ang bawat indibidwal sa pagpulot, pagwawalis at pagtangal ng mga basura sa kapaligiran upang maiwasan na pamugaran ito ng mga lamok na sanhi ng iba’t ibng sakit tulad ng dengue.
Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang maayos at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at paglilinis sa paligid.
Patuloy na nakikipagtulungan ang Pambansang Pulisya sa publiko at makiisa sa mga aktibidad upang mapanatili ang ganda ng kalikasan para makamit ang isang maaliwalas at malinis na pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.