Kasimbayanan Weekly Interactive Meeting, isinagawa sa Sta. Fe, Leyte
Matagumpay na isinagawa ng mga Life Coaches at kapulisan ang Kasimbayanan Weekly Interactive Meeting sa Barangay Cutay, Santa Fe, Leyte nito lamang Nobyembre 10, 2024.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pangunguna nina Pastor Nicanor Auganan Marco at Pastor Lanie Labrador, Life Coaches katuwang ang mga tauhan ng Sante Fe Municipal Police Station na dinaluhan ng mga residente ng nasabing lugar.
Tampok sa aktibidad ang pagbabahagi ng Salita ng Diyos, lecture tungkol sa Community Anti-terrorism Awareness, Anti- Illegal Drug Campaign (BIDA Program), E.O 70 NTF-ELCAC at R.A 9262. Pagkatapos, idiniin ang papel ng mga magulang sa paggabay at paghubog sa kanilang mga anak at mag-aaral na maging masunurin sa batas na mamamayan na may disiplina at paggalang upang maiwasan silang masangkot sa anumang ilegal na gawain.
Layunin ng pagpupulong na maliwanagan at maipangaral ang salita ng Diyos para pakainin ang kanilang moral at espirituwal na pagpapayaman. Ito ay umaayon sa mga pagsisikap ng Pulis, Religious Sector at Komunidad para sa isang mas holistic at Values-Oriented na pagbabago sa bansa.