Signing of MOU at Pledge of Support sa pagitan ng Barkada Kontra Droga(BKD) at Pulis Gabay Patrol, isinagawa
Opisyal nang pinirmahan ang Memorandum of Understanding at Pledge of Support sa pagitan ng Barkada Kontra Droga(BKD) at Pulis Gabay Patrol ng Davao Norte Police Provincial Office (DNPPO) nito lamang Nobyembre 12, 2024.
Ang Barkada Kontra Droga (BKD) at DNPPO Pulis Gabay Patrol ay isang pinagsamang programang ng Dangerous Drugs Board at Department of Education na naglalayong na naglalayong magsagawa ng mga hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng droga, lalo na sa mga kabataan.
Sa pamamagitan ng mga programang pang-edukasyon at impormasyong pang-prebensyon, layunin ng BKD at DNPPO na magbigay ng masusing kaalaman sa mga mag-aaral at komunidad hinggil sa masamang epekto ng droga sa kalusugan, pamilya, at lipunan.