OPLAN LUCY, matagumpay na inilunsad sa Ormoc City
Matagumpay na inilunsad ang OPLAN LUCY o Organize Preventive Law Enforcement Against Narcotics with Leadership, Unity and Community Yield sa Brgy. South, Ormoc City nito lamang Nobyembre 12, 2024.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Ormoc City Police Office na dinaluhan ng mga Sangguniang Barangay Members ng Brgy. South, Ormoc City sa pamumuno ni Hon. Bremegilda R. Yoo, Punong Barangay, Philippine Drug Enforcement Agency 8, Ormoc City Fire Station at AGAK Drug Rehabilitation and Support Services.
Ang OPLAN LUCY ay sumasalamin sa pangako sa isang mas ligtas na komunidad sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap at maagap na mga estratehiya.
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pamumuno, pagpapatibay ng pagkakaisa, at pakikipag-ugnayan sa komunidad, epektibo nating malalabanan ang banta ng narcotics at matiyak ang mas ligtas na kapaligiran para sa lahat.