BPATs, nakilahok sa Barangay Assembly ng Banaue PNP

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team sa isinagawang Barangay Assembly sa Kinakin Banaue, Ifugao noong ika-22 ng Nobyembre 2024.


Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Banaue Municipal Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Ricardo C Bengwic, Acting Chief of Police ng Banaue MPS.
Ibinahagi sa talakayan ang mga isyu ng droga at terorismo kung saan nagbigay-kamalayan sa mga panganib ng pag-abuso sa droga at ang paggamit nito at mga palatandaan at panganib ng terorismo upang maprotektahan ang komunidad lalo na ang mga kabataan mula sa iba’t ibang mga banta ng kriminalidad at nagpaalala sa agarang pagreport ng mga alalahanin sa mga otoridad.
Bukod pa rito, nagpamahagi din ang nasabing grupo ng mga Information Education Materials tungkol sa Anti- Rape Law, Anti- Violence against Women and Children at Good Touch and Bad Touch para sa karagdagang kaalaman.
Ang nasabing pagpupulong ay naglalayong mapalakas ang ugnayan ng Force Multipliers at kapulisan at patuloy na magtutulungan upang makamit ang maayos at mapayapang Bagong Pilipinas.