Pagsasanay sa Basic Knot Tying, nilahukan ng mga Boy Scout at Girl Scout ng Aurora

0
462584484_1048992186908638_267156010600944090_n

Matagumpay na nakapagsanay sa Basic Knot Tying ang mga miyembro ng Boy Scout at Girl Scout of the Philipinnes sa naganap na encampment sa Leon B. Hulipas Elementary School sa Brgy. Baubo, Maria Aurora, Aurora nito lamang Nobyembre 22, 2024.

Ang aktibidad ay isinagawa mga tauhan ng Aurora 1st Provincial Mobile Force Company na pinangunahan ni Police Lieutenant Norlita M. Wamil, Team Leader, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Jun S. Dela Cruz, Acting Force Commander.

Nagsagawa ang mga kapulisan ng lecture tungkol sa basic knot tying na isang pangunahing kasanayan sa outdoor survival. Bukod dito, tumulong din sila sa paglalagay ng obstacle courses na naglalayong palakasin ang pangangatawan at team work ng mga kalahok.

Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng GSP/BSP Joint Encampment ng naturang paaralan. Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga praktikal na aralin at pagsasanay sa outdoor activities, bilang suporta sa kanilang karakter at pisikal na pag-unlad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *