Lecture at Outreach Program, isinagawa sa Cotabato City
Matagumpay na nagsagawa ng Lecture at Outreach Program sa Markadz Guinakit Madrasah, Brgy. Kalanganan 2, Cotabato City nito lamang ika-26 ng Nobyembre 2024. Pinangunahan ng mga school staff’s ang naturang lugar katuwang ang Cotabato City Police Police Station 3, na nakapagbahagi ng kaalaman tungkol sa drug awareness at pamimigay ng slippers at school supplies (ballpen at lapis) sa 100 na estudyante.
Ang aktibidad na ito ay isinasagawa upang makapagbahagi ng mahalagang kaalaman sa mga mag-aaral hinggil sa iba’t ibang paraan ng pag-iwas sa anumang uri ng kriminalidad.
Layunin din nitong ipalaganap ang kamalayan sa kahalagahan ng kaligtasan at disiplina sa araw-araw na pamumuhay.
Ito rin ay isang hakbang upang higit pang mapatatag ang ugnayan ng kapulisan at mga institusyong pang-edukasyon bilang mga katuwang sa paghubog ng responsableng mamamayan.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, inaasahang makakamit ang mas maayos, maunlad, at mapayapang lipunan alinsunod sa adhikain ng Bagong Pilipinas.