Barangay Law Enforcement Seminar, isinagawa sa Negros Oriental
Nagsagawa ng Barangay Law Enforcement Seminar ang mga kapulisan mula sa Tayasan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Mac Millard G. Milan sa Tayasan, Negros Oriental noong ika-25 ng Nobyembre 2024.

Layunin nito na magbigay ng mahalagang kaalaman sa mga barangay service providers kaugnay ng kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan. Bahagi ng seminar ang pagbibigay ng updates ukol sa Barangay Drug Clearing Program, isang mahalagang inisyatibo laban sa iligal na droga na layuning gawing ligtas at maayos ang bawat barangay.
Kasama rin dito ang diskusyon tungkol sa mga tamang proseso ng barangay case mediation upang mas mapalakas ang hustisya sa lokal na antas.
Ang ganitong uri ng kooperasyon ay nagpapakita ng pagkakaisa sa ilalim ng Bagong Pilipinas, kung saan ang kapulisan ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas, kundi katuwang din sa pagbuo ng ligtas na kinabukasan para sa bawat Pilipino.