Pagsasanay sa Kakayahan ng Barangay Tanod at Force Multipliers, matagumpay na isinagawa
Matagumpay na naisagawa ang Skills Enhancement Training para sa mga Barangay Tanod at iba pang Force Multipliers mula sa iba’t ibang barangay ng Sominot na ginanap sa Municipal Gymnasium, Poblacion, Sominot, Zamboanga del Sur noong Lunes ika-25 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ni Police Major Simplicio M. Pasaol, Jr., Officer-In-Charge ng Sominot Municipal Police Station, ang aktibidad na naglalayong paigtingin ang kaalaman at kakayahan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, muling pinaalalahanan ang mga BPATs tungkol sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.
Ang ganitong uri ng inisyatibo ay nagpapakita ng dedikasyon ng Sominot PNP sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga tanod at force multipliers upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng kanilang mga barangay.