Advocacy Support Group, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Kabankalan City

0
462644354_1100296404425901_6144735408971441785_n

Nakiisa sa tree planting activity ang advocacy group na Organization for Internal Safety and Response Against Crime (OISRAC) sa isang makabuluhang hakbang tungo sa pangangalaga ng kalikasan noong ika-23 ng Nobyembre 2024, sa Sitio Lupni, Barangay Hilamonan, Kabankalan City.

Kasama ng grupo sa nasabing aktibidad ang Kabankalan Component City Police Station (CCPS), sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Roberto V. Indiape Jr.

Ang aktibidad ay simbolo ng pagkakaisa na may layuning lumikha ng positibong epekto hindi lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa kamalayan ng bawat isa.

Ang kolaborasyong ito ay isang patunay ng dedikasyon ng OISRAC bilang isang advocacy support group na hindi lamang nakatuon sa laban kontra krimen, kundi pati na rin sa pagbibigay ng ambag sa mas malawak na layunin ng pagprotekta sa ating kalikasan.

Sa bawat puno na kanilang itinanim, inaasahan ang paglago ng isang mas ligtas, mas berde, at mas maayos na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *