Force Multipliers, aktibong nakilahok sa Tree Planting Activity sa Tarlac City
Aktibong nakiisa ang mga iba’t ibang miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Tree Planting Activity na ginanap sa Apalang Elementary School Sitio Apalang, Amernia, Tarlac City nito lamang ika-26 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station sa ilalim ng pamamahala ni Police Lieutenant Colonel Sean C Logronio, Chief of Police na pinangunahan ni Police Lieutenant Leslie B Emata, Police Community Precinct 8 Commander, katuwang ang mga miyembro ng Tarlac Anti-Crime Force Multiplier Organization Inc (TACFO), Phi Beta Rho Confraternity Tarlac Bravo Libra Chapter, Barangay Officials, mga mag-aaral at miyembro ng Sanguniang Kabataan ng nasabing lugar. Nakiisa din sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng iba’t-ibang ahensya ng Gobyerno tulad ng Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at Department of the Interior and Local Government.
Ang layunin ng nasabing aktibidad ay makapagtanim ng mga puno upang protektahan ang kalikasan at isulong ang pangmatagalang kaligtasan ng komunidad. Ang pakikilahok ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay nagpapakita ng pagkakaisa at responsibilidad sa mga programang pangkapaligiran para sa positibong epekto na magagamit sa susunod na henerasyon.