Barangay Based Advocacy, nakiisa sa Clean -up Drive sa Buyun Elementary School
Aktibong nakiisa ang Barangay Based Advocacy sa isinagawang Clean-up drive activity sa Buyun Elementary School, Peñablanca, Cagayan nito lamang ika 30 ng Nobyembre 2024.
Ito ay pinangunahan ng mga opisyal ng barangay sa pamumuno ni Brgy. Captain Jackielou Calagui Tattao, mga magulang na pinamumunuan ni School Parent Teacher Association President Aileen S Calueng at mga SELG Officers sa pamumuno ni SELG President Aiza C. Daraway ang nasabing aktibidad.
Ang isinagawang Clean-up drive ay bahagi ng kanilang adbokasiya para sa kalinisan at kaayusan ng paaralan at komunidad.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito hindi lamang kalinisan ang naitaguyod kung hindi pati na rin ang pagkakabuklod ng komunidad at pagpapahalaga sa kalikasan.
Layunin ng aktibidad na panatilihin ang kaayusan, kalinisan at kalusugan ng kapaligiran sa paaralan para sa mga mag-aaral.
Nagbibigay din ng inspirasyon sa bawat isa na maging respondable sa kapaligiran para sa buong barangay.