Yolanda Resilience Ride 2024, nilahukan ng iba’t ibang ahensya sa Tacloban City

Matagumpay na inilunsad ang Yolanda Resilience Ride 2024 na nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng National Government na ginanap sa San Jose, Tacloban City nito lamang Sabado, ika-30 ng November 2024.

Ito ay inisyatiba ng Office of the Civil Defense 8 sa pangunguna ni Lord Byron P. Torrecarion, PhD, Regional Director kasama ang Police Regional Office 8 sa ilalim ng pangunguna ni PBGen Jay R Cumigad, Regional Director na kinakatawan ni Police Colonel Michael P Palermo, Chief, Regional Community Affairs and Development Division at iba’t ibang ahensya ng National Government ng nasabing lungsod.

Ang 3rd Yolanda Resilience Ride na may temang, “Revving for Resilience: 11 Years of Strength and Solidarity” ang biyaheng ito ay sumisimbolo sa sama-samang lakas at katatagan bilang isang komunidad.

Ang kaganapan ay nagsama-sama sa iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan upang parangalan ang katatagan, lakas, at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Eastern Visayas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *