Community Outreach Program sa Cagayan de Oro City, isinagawa

Nakiisa ang Kong Hua School Batch 1974 sa isinagawang Community Outreach Program sa Leupapo Inc, Brgy. Bulua, Cagayan de Oro City nito lamang ika-3 ng Disyembre 2024.

Aktibo ring nakilahok ang mga Brgy. Officials, Brgy. Tanod, volunteers, at mga magulang ng pasyente.

Mahigit nasa 100 na mga cancer patients ang nabigyan ng libreng food packs, munting regalo at groceries.

Layunin nito na palakasin ang pakikiisa at pagkakaisa ng komunidad sa pamamagitan ng mga aktibidad na naglalapit sa mga tao at nagtataguyod ng mutual na suporta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *