BPATs, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Norala, South Cotabato

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), sa isinagawang tree planting activity sa Barangay Puti, Norala South Cotabato nito lamang Desyembre 6, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Punong Barangay Hon. Randy F. Gardose, na nilahukan ng nasabing grupo kasama ang mga Barangay Council, BHW, PHN at mga kawani ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Layunin ng nasabing aktibidad na palawakin ang pagpapahalaga sa kalikasan para sa isang mas magandang bukas, at isang pangako na pangangalagaan ang pinakadiwa ng buhay para sa mga susunod na henerasyon.

Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa programa ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na “Buhayin ang Pangangalaga ng Kalikasan” upang ganap na itaguyod ang mas magandang kapaligiran para sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *