Tree Planting Activity, isinagawa sa Maguindanao del Sur
Matagumpay na isinagawa ang Tree Planting Activity sa Pulangui River Banks, Barangay Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao del Sur nito lamang ika-5 ng Disyembre 2024.
Pinangunahan ng Bureau and Fire Protection ng Datu Montawal Fire Station katuwang ang Datu Montawal Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain, Ramilio L Serame, Acting Chief of Police ng naturang istasyon.
Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan at sigla ng kapaligiran, maprotektahan ang Pulangui River laban sa soil erosion, at maisulong ang kamalayan ng komunidad tungkol sa pangangalaga sa kalikasan bilang bahagi ng mas malawak na kampanya para sa kapaligiran at disaster resilience.