BPATs, nakilahok sa Lektura sa Kabugao, Apayao

Nakilahuk ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang lektura sa Barangay Baliwan, Kabugao, Apayao nito lamang ika-5 ng Disyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Kabugao Municipal Police Station na dinaluhan ng mga residente ng nasabing lugar.

Tampok sa lektura ang pamamahagi ng kaalaman tungkol sa panganib na dulot ng ilegal na droga, proteksyon ng kababaihan at kabataan laban sa karahasan (VAWC), at mga pangunahing payo sa kaligtasan ngayong Kapaskuhan.

Bukod dito, namahagi din ng mga IEC materials bilang dagdag na hakbang sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng komunidad.

Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng Kabugao MPS sa kaligtasan at kapakanan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *