Medical Mission sa Bacolod City, inilunsad katuwang ang mga ahensya ng Gobyerno

Nagsanib pwersa ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa isinagawang medical mission na may temang “Breakthrough Operational Wellness” na ginanap sa His Life Ministry Church, Purok Santo Domingo, Brgy. Banago, Bacolod City, Negros Occidental nito lamang ika-7 ng Desyembre 2024.

Ang aktibidad na ito ay nagbigay ng mahahalagang serbisyo gaya ng libreng konsultasyong medikal, gamot, therapy check-ups, masahe sa katawan, gupit, pamimigay ng mga regalo, at pamamahagi ng food packs, at hindi lamang ang magbigay ng agarang suporta kundi ang magbigay inspirasyon para sa patuloy na pagtutulungan at malasakit sa kapwa.

Ang naturang aktibidad ay naglingkod sa kabuuang 300 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang purok ng Barangay Banago. Ang Felix G. Yusay Foundation ay nagbigay ng suporta sa mga pangangailangan ng mga benepisyaryo, habang ang His Life Ministry naman ay nag-alay ng moral at espiritwal na gabay. Kasama rin ang PNP at 79th Infantry Battalion ng Philippine Army na tumulong upang masigurong maayos at ligtas ang daloy ng aktibidad.

Pinagtibay rin ng mga Barangay Health Workers (BHW) ang kalusugan ng mga residente, at ginampanan ng Barangay Council ng Banago ang mahalagang papel sa koordinasyon at organisasyon ng mga mamamayan.

Ang “Breakthrough Operational Wellness” ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor at ahensya ng gobyerno, higit na maraming tao ang makakamit ang serbisyo at tulong na nararapat sa kanila.

Ang ganitong uri ng inisyatiba ay nananatiling isang paalala na ang pagkakaisa at malasakit ay susi sa pag-abot ng mas maunlad at masayang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *