Pagpapalawak ng Kamalayan sa Pag-iwas sa Droga, isinagawa
Isinagawa ang isang mahalagang aktibidad sa mga residente Barangay Bliss noong miyerkules ika-4 ng Disyembre 2024, na naglalayong bigyang kaalaman ang mga residente ukol sa pag-iwas sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.
Ang nasabing aktibidad ay piinangunahan ng mga tauhan ng Buug Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Polie Major Armil A Obinque, Officer-In-Charge.
Sa nasabing programa, tinalakay ang mga panganib na dulot ng droga hindi lamang sa kalusugan kundi pati na rin sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang bawat isa, lalo na ang kabataan, na maging bahagi ng kampanya laban sa droga.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikiisa ng bawat residente sa pagsusulong ng mga adbokasiya na naglalayong magtaguyod ng isang ligtas at maayos na pamayanan.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon, pinapalakas ang kakayahan ng komunidad na labanan ang hamon