Pamaskong Handog 2024 – Hatid ng PNP ang Saya at Pag-asa

Matagumpay na isinagawa ang Pamaskong Handog 2024 sa Brgy. Limo-ok, Lamitan City, Basilan nito lamang ika-16 ng Disyembre 2024. Ang 1403rd B, Regional Mobile Force Battalion 14-B sa pangunguna ni Police Major Ferick Jay G. Comafay, Company Commander, ay naghatid ng kasiyahan at biyaya sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga laruan at food packs sa mga anak ng kanilang mga tauhan.

Layunin ng programang ito na hindi lamang magbigay ng materyal na tulong kundi magpaabot din ng pagmamahal at suporta sa pamilya ng mga PNP personnel na kaagapay sa kanilang tungkulin bilang tagapaglingkod ng bayan.

Ang mga ngiti at saya ng mga bata ay patunay ng tagumpay ng Pamaskong Handog ngayong taon.

Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, pinapakita ng PNP ang kanilang dedikasyon sa pagsisilbi hindi lamang sa komunidad kundi pati na rin sa kanilang sariling hanay.

Isa itong inspirasyon sa ating lahat na magpatuloy sa pagtulong at pagbibigayan lalo na ngayong Kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *